- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
- Moralidad Ang Kwintas King Midas Kasakiman
Pagsusuri ng Ang Kwintas at Haring Midas
Ang mga kwento ni Haring Midas at ni Mathilde Loisel sa “Ang Kwintas” ay parehong naglalarawan ng mapanganib na kasakiman at ang pagbagsak na hatid nito. Si Haring Midas kasi ay ninais na maging ginto ang lahat ng kanyang mahawakan. Isang kahilingan na sa simula ay tila perpekto ngunit nagdulot naman ng matinding paghihirap nang hindi na rin niya makain o mayakap ang mga mahal niya sa buhay. Ang kanyang labis na pagpapahalaga sa materyal na kayamanan ay nagdulot ng isang pakikibaka na labag sa kanyang sariling kalikasan bilang isang tao.
Katulad naman ni Haring Midas, si Mathilde Loisel ay biktima din ng kanyang kasakiman. Dahil sa paghahangad na matamasa ang karangyaan, sinuportahan niya ang ilusyon ng kayamanan gamit ang hiniram na alahas. Ang kanyang pag-ibig sa luho ang nagtulak rin sa kanya sa isang serye ng maling desisyon na nagdala sa kanya at sa kanyang asawa sa dekada ng paghihirap.
Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa kasalukuyang sitwasyon, lalo na sa korapsyon sa gobyerno. Ang walang sawang kasakiman ng mga opisyal ay nagdudulot ng matinding paghihirap sa kanilang mga nasasakupan. Parang ginto ang nakikita ng mga pulitikong kurakot ang mga pondo ng bayan, ngunit sa huli, ang kinukuha nila ay ang kinabukasan ng taumbayan. Ang pakikibaka ng mga mamamayan kasi ay laging nakadikit sa kasakiman ng iba. Ang tanging pagkakaiba siguro ay sina Haring Midas at Mathilde ay natuto sa kanilang pagkakamali, habang ang mga korap na opisyal ng Pilipinas ay patuloy na ginagawa ang parehong pagkakamali.

Buod ng Mga Kwento
Greek Mythology / Mediterranean Literature
Haring Midas
Si Haring Midas ay isang hari na labis ang pagmamahal sa ginto. Tinulungan niya si Silenius, kaibigan ng diyos na si Dionysus, kaya binigyan siya ng gantimpala. Ninais niya ang kapangyarihan na gawing ginto ang lahat ng kanyang mahawakan. Noong una, natuwa siya dahil napapalibutan siya ng kayamanan. Ngunit nang maging ginto pati pagkain, inumin, at maging ang kanyang anak, napagtanto niya na sumpa pala ito. Nakiusap siya kay Dionysus at sa pamamagitan ng paghuhugas sa ilog Pactolus, nawala ang “Golden Touch.”
Ang Kwintas
Si Mathilde Loisel ay isang babaeng hindi kuntento sa simpleng buhay. Nang maimbitahan siya sa isang marangyang kasayahan, nanghiram siya ng kwintas mula sa kaibigang si Madame Forestier. Sa kasayahan, siya ang naging sentro ng atensyon. Pagkatapos, napansin niyang nawala ang kwintas. Upang mapalitan ito, siya at ang kanyang asawa ay naghirap ng sampung taon. Sa huli, nalaman niya na ang kwintas ay peke lamang.
Mga Tauhan
Haring Midas – Hari na sakim, mahilig sa ginto, at laging hindi kuntento.
Silenus – Matandang guro at tagapayo ni Dionysus; naligaw at tinulungan ni Haring Midas.
Dionysus – Diyos ng alak, kasayahan, at pagkabukas-palad; nagkaloob ng kahilingan kay Haring Midas.
Mathilde Loisel –Maganda ngunit mapaghangad, materialistic, at maarte.
Monsieur Loisel – Mabait, matiisin, at handang magsakripisyo para sa asawa.
Madame Forestier – Mayaman, inosente, at walang masamang intensyon nang ipahiram ang kwintas.
Pagkakapareho ng Kwento
Pagnanasa at Kasakiman: Si Haring Midas ay naghangad ng ginto. Si Mathilde naman ay naghangad ng karangyaan at kagandahan.
Hindi Nakuntento: Si Haring Midas ay mayaman na ngunit gusto pa ng higit. Si Mathilde ay may asawa at buhay ngunit nais ng mas marangya.
Parusa at Pagdurusa: Si Haring Midas ay nawalan ng kakayahang mabuhay nang normal at muntik pang mawala ang anak. Si Mathilde naman ay naghirap ng sampung taon para sa isang bagay na wala palang halaga.
Moral na Aral: Ang tunay na halaga ay hindi matatagpuan sa yaman o alahas. Ang kasakiman at labis na pagpapahalaga sa materyal ay nagdudulot ng kapahamakan.